isang malansang nilalang na pilit at patuloy sumasapin sa kumakalam na sikmura ng aping masang umaasang maibsan ang pagkadayukdok.
Bagamat likas ang kahinaan, bagay na tulad ng aking amoy, nakikibaka na sa maliit na paraan ay may mai-ambag sa lasa ng pagsasabansa ng sining....ng kultura.
Nananalangin na panulat at ibang sining biswal ay magsilbing sulo na gagabay, mumulat patungo sa kabusugang paglaya.
>
BAGONG BILAD
pegasus_PUBLISH
LIKIDO
Sa simula'y nag-aalangan ka pa. Ngunit sa bagay, bakit nga naman hindi. Sa porselana kong pangangatawan, sa malinis kong tindig, sa mamasa-masa kong labi...Sino nga namang nilalang ang hindi mangingimi. Binuo mo ang iyong loob, muntik mo na nga akong malapitan. Ngunit sa huling sandali ay inawat mo ang iyong sarili, mistulang pinigil ang dinarama ng loob.
more
Poetry
Ang buwan Kaginhawaan
more
malansang nilalang ang napadpad Gustong makipaglanguyan?
|
 |
Tuesday, February 14, 2006
Puting-puti pa noon ang peyborit t- shirt ko. Kunsabagay, araw-araw ba namang kulahin ng aking belabed nanay. Kunti na nga lang eh Maggoglow in the dark na. Kaya nga naging peyborit ko kasi bukod sa logo ng redhorse beer na nakaimprenta sa may dibdib eh almost magglow na ito sa kaputian.
THE ONLY CONSTANT IN THIS WORLD IS CHANGE.
Ito ang sabi ni pareng Marx. Lahat ng bagay ay ngbabago depende kung anong uri ang nagwagi sa sa tunggalian ng anumang elemento. At magiging kahangalan kung magtatanong pa ako kung bakit ang peyborit t-shirt ko na glow in the dark ay maging dark.
Hapit na hapit ang dalawa kong matatayog na nipples at ang lumulubo kong tiyan ng binabagtas ko ang daan mula Divisoria hangang Espania. Kahit pa mala binomba ng dalawang truck ng Bombero ang damit ko dahilan ng hayop na init ng araw ay patuloy padin ako. Dagdag pa dito ang nakakasukang usok ng mga nagraragasang jeepney na naging sanhi ng pagka Zero Visibility. Paano ba naman kasi para kang naglilihi kung mag-isip. Utusan ba naman akong bumili ng ten times size ng aking tiyan na unan. Sinunod ko rin ang gusto mong kulay. Light Blue. Sabi mo. Pucha! para mo na akong ina-alila ah? Parang di na friends ang turing mo sakin ah? Okey lang...para naman sayo to eh.
Teka, Kelan ba tayo naging magkaibigan? Kelan mo ba ako tinuring na friend? Eh kelan nga ba?! Mulat sapul, naaalala mo lang naman ako pagmekelangan ka. Sama mo talaga!
SWEET MEMORIES ( parot! )
Una tayong pinagtagpo ng pesteng tadhana ng maging klasmeyt tayo sa Rizal 101. Rizal subject need not be boring...third meetings natin. after the class linapitan mo ako. Bagama't mukha akong butete, sa pananaw mo ay may taglay akong katalinuhan. " Ei, help me naman o, kasi i don't get it eh". Get it. Get it! Geting mong mukha mo! Naman! andun na lahat eh! babasahin mo nalang. " Pls..." hirit mo. Pero...since na tisay ka eh sige na nga!
Naging sitmeyts tayo noon. Syempre ako ang instant tutor mo. Okey lang, basta palagi mong ididikit ang siko mo sa siko ko. Siguro dito nagsimulang umibig ang puso ko? Dito rin ata nagsimulang maging baduy ang buhay ko. Dito kasi ako nagsimulang manood mga love movies, koleksyon ng love qoutations. LOVE QOUTATIONS?
Lahat ng me kaugnayan sa pag-ibig ay kinokolekta ko. Umaasang kahit papano ay makakuha ako ng mga kataga na maibabahagi ko sa iyo--mga katagang maglalahad ng pag-ibig ko sa iyo.
ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS
Naging oto-oto ang role ko ng mga panahong iyon. Wel it is a beri hambling eksperyens. ya now. wen yu stup dawn to yur lebel. Para akong sira ulong gustong paputiin ang uwak. Kunsabagay, ganun naman daw talaga eh. Kung minsan magaling ka sa maraming bagay pero tanga ka pagdating sa pag-ibig. Pero kumpatibol naman kami ah?! MAganda sya at matalino naman ako. Pero katalinuhan ba ang magpa-oto?
Sa isang banda matalino ka rin naman. Praktikal kumbaga. Dahil kung hindi ka ganun, di mo maiisipan na ipagawa sa akin ang lahat ng projects at terminal plates mo. Di nga naman ako makakatangi sayo. Kaw pa! lakas mo sakin no! Pero...parang pinagsasamantalahan mo na ako dun ah? Hindi.Hindi.
Dumaan ang ilang Semestre pero ganito padin ang status ko--Dakilang oto-otong nagmamahal sayo. Hangang sa nagkaboyprend kana. Isang papa material. Syempre anong panama ko dun? At kung nagkataon na naging babae ako ay tiyak magiging magkaribal tayo! Ano kaya itsura ko? Babaeng kamukha ni Allan k... Parang ang sagwa? Hindi.Hindi.
Sa panahong iyon, lalong nagrimarim ang pag-asang maangkin ang tinatangi kong ikaw. Di ka na rin nagtitext. Kahit na lahat ng tinitext mo ay puro " paki; pwede bang...;oi favor naman oh..ay namiss ko din yun. Actually nakasave pa nga ang mga messages na yun eh. Kahit nga simpleng "ok" ay sina-ve ko padin. Araw-araw naging selos ang bawat meal ko. Lintek naman o! Bakit ba naman kasi pati yung favor mo ay inagaw pa sakin ng konyo mong Boyprend. At least kahit dun nag-uusap tayo, nakikita ko ang ngiti mo.
KEEP PRAYING
Pero mabait ang Panginoon. Isang gabi naabutan kita sa aking bordinghaws. Umiiyak. Nag-away kasi kayo ng syet mong boyprend. Pero kahit umiiyak ka ay di ko maitago ang tuwang nararamdaman ko. Pano ba naman kasi nakasandal ka sa balikat ko habang buong pwersa mong inilalabas ang sama ng loob mo kasama ng luha at uhog na pumapatak sa t-shirt ko. okey lang pwede namang labhan. Shit hindi! moment ito. kelangan i-preserve ko ang t-shirt na ito! Teka... parang nakita ko na'to sa pelikula. Aaminin ko na ba? Pinikit ko ang mga mata ko sabay hinugot ang mga katagang binuo ng kahapon. " Alam mo..." sabi ko. Pa suspence effect. "oi, favor naman oh...." yan ang biglang singit mo. " Pwede bang i-set mo kami ng date? para magka-ayos na kami.." ng Daaaatee!!! kayo ng syet mong Boyprend? Omiigad!!! "please..." sabay ngiti. Kahit mamasa-masa pa ang mga mata mo, basta ngumiti kana ay maganda ka padin. Kaya..." sige na nga! Oo na! Pero...sakaling mag-away uli kayo, wag kang mahihiyang lumapit uli sa'kin. Handa akong muling magpa-oto para sa'yo, para sa ika-liligaya mo.
Posted at 01:07 am by tinapa
Permalink
Wednesday, January 25, 2006
tupad-tumpak-sa inquirer compact
Bagamat sa iba-ibang direksyon sa kanya-kanyang atas tumitingin ang bawat kasama sa medya, maliban sa pangunahing layunin na maihatid ang tunay na kalagayan ng lipunan, ninanais namin (bilang wala sa meynstrim) na makapasok sa dalies.
Gaya ng pingarap ko, sa tulong ng diyos at sa masa na patuloy na pumapanday...
Pasok po ako sa Inquirer.
Inquirer - southern Luzon Bureau
Posted at 11:20 pm by tinapa
Permalink
Wednesday, June 08, 2005
* inapdeyt ko ngayon yung friendster account ko. O.k. din pala yung layout nung page..kaso limitado pa din yung features nya compared dito sa blogdrive medyo o puede mong i-manipulate if anong magiging itsura ng page mo.
speaking of itsura. kung ikaw ay nabuhay pa lamang ngayon totoong Nagbabago ang itsura ng isang tao. kagaya na lamang nito. nakita ko yung dating crush ko nung highshool sa acccount friend ng friend ng friend ko sa friendster. Medyo nagbago nga ang itsura nya --medyo pumangit sya hehe. heto pa nakita ko dun din mismo sa friendster account ng friend ng friend ng friend ng friend (sumubra na atah ah?) anyways, ng friend ko ang account ng campus crush namin nung highshool. Pumangit din! Nyaha! eh, ako kaya paglinagay ko pics ko sa friendster, noh kaya masasabi nila? haha!
Pics. Pictures, hinahalungkat ko ngayon yung mga pics na sa assesment ko ay papatok sa dyaryo. Try ko makapasok sa ginagalang na Inquirer, bilang isang janjaran.. Photojournalist! a.k.a. Peter Parker ako pag nagkataon.
kaw, pede ka magpost.
Gusto mo kunan kita? hehe
( di yata png Inquirer to ah?)
Posted at 07:04 am by tinapa
Permalink
Saturday, June 04, 2005
greet me for old times sake
ian,redcross : ok ako ng bahala kina denz. luto ka ng masarap na pulutan!
tapos ko na sana ang artik na 'to kaso di ko na save. pucha kasing pornong animè!!!
at ang natira ay ang precious na nasa-ibabaw na 'yan.
vvvvvadtrip!!!
anyway, nais ko lang sanang sabihin na pinagkakaabalahan ko ngayon ang unlimited txt.
gawa nalang ako ng artik tungkol dito. abangan mo, niyo, kung merong nag-aabang.
at ang main topic: tinxt ko mga kapamilya, kapuso na gra-graduate ako sa baking class sa sunday sa sana greet nila ako... hikbi. at ang kanilang mga tugon ay ito:
ylla : congrats! e di mg aasawa ka na?
jao :tlaga?! congrats parekoy!
ian redcross : congrats boi! ano 22o to?!
ryan kelly : Padi im so proud of you pero hampas lupa ka pa din!
pading joks : congrats sa pagiging ganap na panadero!
mading lizl : Rili?! Congrts! gudluk sa carir. U
avon : congrats jimb!
steveguab : congratulations! lam mo ang morisqueta tostada? nai-bake mo na ba yan?
nolan amador : cgudmorning sino nga pala 'to? sori ha na erase kasi lhat nos. \puede pkilala ka?
jeson : congrats padi! bk ang hnda puro cookies buda cake ang luwas ta kaan puros bugrit pg udo.
sana padi mglaag k ki bakery s legaspi. hehehe
steve guab : CONGRATULATIONS! Promise talaga! cg 2log na ko, galing me ng Davao.
pading jobert : Wow, im reli2 proud f u, kip up d gud wrk pare. ur d best.. gudluk sa bago
mong buhay.
pading joks : jum-jum kta pg-uli ko nxtwik, maoyaks kita hehe!
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : cno to?
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : c sharon chua to, na wrng snt mo ata?
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : b-day ko ngaun..gawan mo ko ng cake..libre
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : c25 plng naman, ok lng khit chiffon cake, slamat!
matanda na tayo dba? me asawa ka na?
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : cno to?
che (kasama kong nakibaka) : cnsya n kng rply plng ako.. cge congrats na kung baga!
Grabe pa drama mo pshots na...
lourdes(ka-work) : kala ko ngaun, paleave-leave kapa. Congrats po.
sha st. jud(crush ko nung h.s.) : cno to?
Bu2g (buddy) : Diputa ka! yain kang bole ni ina mo??! Yaon ako kara ryan ng papara-alat
kan ipasiba mo!!!
* marami akong tinxt pero iilan lang ang tumugon.*(milyong salamat sa hindi at bumati)
ano kaya isusuot ko sa araw na ito? mag hawaiian shorts kaya ako?.. pwede!
Posted at 03:37 am by tinapa
Permalink
by: Valiant Bocaocan Jr.
pegasus special issue 2002
Kailan nga ba ang huling pagkakataong ginamit mo ako? Matagal na siguro. Di mo na matandaan.
Bata pa ako nun, si lolong sekyu, teen-ager pa. Naaalala ko pa nung nakikita kita, kasama ang mga kaibigan mo. Masaya kayong nag-uusap sa mga daraanan sa labas ng mga silid aralan. Tila kayo'y mga tipklong na umiindayog kung magsanay ng bogie at tango. Tila rin mga buwitreng pinapaso sa singit kung magsitakbuhan papasok ng silid aralan kapag nariyan na si sir o madam.
Sa daraanan ring iyon tayo nagkakilala. Sa simula'y nag-aalangan ka pa. Ngunit sa bagay, bakit nga naman hindi. Sa porselana kong pangangatawan, sa malinis kong tindig, sa mamasa-masa kong labi...Sino nga namang nilalang ang hindi mangingimi. Binuo mo ang iyong loob, muntik mo na nga akong malapitan. Ngunit sa huling sandali ay inawat mo ang iyong sarili, mistulang pinigil ang dinarama ng loob. Tiniis mong makitang hinahagkan ako ng iba, na mas naunang itinapat sa akin ang kanyang dinaramdam. Matagal na siyang nagnasa, wala na akong nagawa. Tulad mo at tulad ng iba pa, dito rin kami nagkakilala. Lubos silang mararahas, mapupusok, mga baboy. Mangiyak-ngiyak kang tumalikod, at bigong humayo ng papalayo.
Ngunit di ka pinanghinaan ng loob. Mapagtimpi kang naghintay sa muling pagkakataon. Medyo Matagal, ngunit alam mong darating din. Sa wakas, nagbunga ang iyong pagtitiyaga. Nagkrus uli ang ating landas. Maaliwalas, tahimik, pingpala ang oagkakataon. Ilang sandali lamang ay kapiling na natin ang isa't-isa, habang ang lahat naman ay abala sa loob ng mga silid. pinagtagpo mo kaagad ang ating mga labi. Isang halik na tumugon sa matagal mo ng paghahanap sa isang katulad ko. Dahan-dahan ngunit magaan mong linuwagan ang aking lagusan, kung saan ang iba noong una ay sadyang nahirapan. Hindi ka pa nakuntento roon. Biglang tuminilamsik ang makintab na likido't walang pakundangan mo itong nilunok. nangalay ka ng husto, ngunit bakas naman sa iyong mukha ang labis na kaligayahan. Naibsan ang iyong pagkatigang kahit na sa panandalian lamang.
Sa loob ng mahabang panahon ay itinuring akong parausan ng buong. Mapaguro, karpintero, empleyado, guwardiya, pari, at kadalasan, mga estudyanteng katulad mo, ay naalayan ko na ng serbisyong ako lamang makakapagbigay. Ang iba'y mga disente, ang iba'y tila mga demonyo kung babayin ako. Nagpatuloy pa ang ganito sa loob pa ng ilang mga taon, hangang unti-unting dumating ang lahat sa hangganan. Ika nga, gaano man kalalalim ang bukal, kusa rin nanunuyot.
Lolo na ang dating sekyu. Ako ngayon, eto, "loose thread" na kung karanasan man lang ang pag-uusapan. Wala na ngang pumapansin sa'kin, di tulad noon, ako ang takbuhan ng lahat. Sino pa ba naman ang papatol sa ganito, ang dumi-dumi na ng ayos ko. Baka raw mahawaan ko pa sila ng bad breath dahil pinamumugaran daw ng mikrobyo ang labi ng gripo ko. Dating mamasa-masa, ngayon, tuyot na tuyot at gapatak na lang ang lumalabas, sira na kasi ang gasket na lagusan ng tubig kaya di na maluwagan. Puro lumot na lang at marka ng plema ang makikita, nalagas na ang dating kinis ng porselana kaya pinandidirian ng mga feeling sosyal. Pati ang mga tubo ko at yung purifier, bugbog sarado sa kalawang.
Wala ng gumagamit sa akin, wala ng nagpaparaos ng uhaw. Kailan nga ba ang huling pagkakataong ginamit mo ako? Matagal na di muna matandaan.
Mabuti napadaan ka. Bakit nga pala naririto ka?labingpitong taon na ang nakalipas mula ng ikaw ay
grumadyet. Ah. Dinalaw mo ang anak mo. Pagbawalan mo syang lumapit sakin, tiisin niya na muna ang huwag pumindot. Baka mapahiya siya Miyerkules pa naman ngayon.
(isang tugon para sa pagsasabago ng mga water fountains sa loob ng Unibersidad)
Posted at 02:56 am by tinapa
Permalink
Saturday, April 02, 2005
paalam... POPE JOHN PAUL II
Posted at 09:07 pm by tinapa
Permalink
Monday, February 14, 2005
Halos mayakap na kita sa dami ng mga nagsisiksikang mga ka-opisina natin sa loob ng elevator. Sa galaw nila kita ko ang eksena ng last trip sa isang pampublikong terminal. At sa ganitong sitwasyon ‘di maiiwasan ng iyong maselang dugo na kumulo. Pero syempre hanggat maaari di ko ito hahayaan, maspipiliin kong magtimpi. Kunsabagay, sanay na ako ditto. Sa umpisa lang naman sila maingay eh. Pero sa oras na sumara na ang pinto wala na. Wala ka nang maririnig. Tanging mga kumukulong gutom na sikmura na lamang. Pero di mananatiling ganito, sa oras na bumuka uli ang pinto, sasabay din ang pagbukas ng mga bibig nito.
At ngayon, katulad ko at katulad nila tahimik kalang. Andyan ka sa aking unahan, dito naman ako sa likuran at alam ko nararamdaman mo ang bawat hininga ko. Sa lapit ba naman ng bigbig ko sa tenga mo. Pero deadma ka lang, waring di pinapansin ang kakaibang nangyayari at kung nagkataon na mabaho ang hininga ko tiyak, hinimatay kana siguro.
Siguro? “Siguro may gusto ka rin sakin ano?” sabi ko sa sarile ko. Kung sana hindi lang hininga ko ang naamoy at nararamdaman mo, sana pati yung kakaibang pagtingin ko sayo. Pati yung pagsama ko sayo sa bawat pangarap ko, sa mga lugar na iginuhit ko kasama ng pagtapat ng pag-ibig ko sayo. Hhhhayyy…( ..isang hingang malalim) di ko tuloy maiwasang mapangiti. Dati kasi dalawang palapag ang pagitan natin pero ngayon halos dumikit na ang bayag ko sa puwit mo. Haaaay ulit… bait talaga ni Lord. Bigla kang napatingin sa iyong likuran at wala kang ibang makikita kundi ako lamang. Napalakas ata ang paghinga ko o di kaya naamoy mo ang panis na laway ko. Nagkatitigan tayo. Mga ten seconds. Tumigil ang mundo. Mistulang eksena sa isang panis na tele-novela o di kaya madugong tinginan ni Max Alvarado at FPJ. Pero, para sakin, isang romantikong tagpo, tinitigan ko ang bawat detalye ng iyong maamong mukha, ang iyong labing tila ang bawat binibigkas ay pawing pag-ibig at katotohanan at syempre ang huli ang iyong mata na kung sana ang bawat tumingin ay napapamahal. Tapos… TING! Nasa ground floor na tayo. Bubukas na naman ang pinto ng elevator at syempre gaya ng dati sasabay din ang pagbuka ng mga mababahong bibig ng mga kaopisina ko. Pero, bago mangyari ang mga ito ngitian mo ako at dama ko ang pagiging totoo nito. Yahoo! Sarap talaga ng smile mo. Balak ko rin sanang gantihan kita ng linalanggam kong ngiti pero wala kana. Kinaladkad kana kasi ng kaopisina mong tsokwa.
Posted at 04:04 am by tinapa
Permalink
|